Unang Linggo sa Desyerto

Nakalipan na ang isang linggo dito sa bago kong tirahan (kung matatawag mo ba itong ganun). Nasa period of adjustment pa rin ako. Mainit dito. Kung nagrereklamo tayo sa init sa Pilipinas, walang kwenta yan. Lahat dito sa Dubai mainit!

Nung dumating kasi ako nung Huwebes (Sept 25) dito, gabi na, mga 8:30 ng gabi arabian time pero paglabas pa lang sa eroplano --- kasi dikami sa tube nakalabas marami atang flights na dumating, si diretso kami sa labas talaga ng eroplano at finerry papuntang arrival area. 33 deg centigrade ang temperature. Imagine?! gabi na yun! At nung magpunas ako, naku, gabi na nga mainit pa ang tubig!

Haay.. Niloloko ko nga sila na di naman tayo naglalaba dito eh... Nagbabanli tayo ng mga damit natin.
Malapit na daw ang winter-- papasok na daw so meaning di na gaanong kainitan ngayon.

Masanay na dapat ako... Tatlong taon ko tong bubunuin at mahigit pa. Para sa pamilya, lalong lalo na para sa anak.

*nagdadrama si dom*

0 comments: