Pasko na...

Unang pasko sa isang malayong lugar. Di ko alam kung ano ang mangyayari. Sa opisina namin masaya ng nagdidiskusyon tungkol sa kung ano man ang gagawin sa pasko... haaay! Pano ba to... Di ko alam kung masaya ba ako o malulunkgot. Grrr.

Nakabili na ako ng pamasko ko sa anak ko... isang Barney na laruan. Ewan ba kung bakit aliw na aliw sila sa dinosaur na ito! Di ko maintindihan, di naman maganda ang pagkakagawa sa kanya tulad ni Mickey o di kaya ni Pooh... Hala... yun ang gusto. Alangan naman kasing padalhan ko siya ng winter clothes galing dito.. oo may winter din sila dito... Nakakatuwang makita ang bata sa ganong suot pero di yun pwede sa Pinas. Maliban na lang kung nakatira ka sa isang puro A/C ang buong bahay pati garden!

Masya din pala ngayong "katapusan ng lingo" (weekend!) kasi mahaba ang bakasyon sa Dubai. Magdiriwang kasi sila ng isa pa nilang Eid. Tatlong araw din kaming walang pasok, dagdag pa ang Byernes at Sabado... Limang araw lahat ang bakasyon.. Makikitira ako sa bahay ng tyahin ko. Bukas naman pinto nila sa aming mga kamag-anak na andito sa Dubai... diba ang saya?

Pasko na... mag iisip na ako kung ano lulutuin sa hapunan namin dito sa bahay.

0 comments: