Kanina tinawagan ko si Andy. Nagising ako ng 3:30 para makausap siya ng 7:30 ng umaga sa Pilipinas. Ever since kasi, morning moods ng anak ko ay superb! Promise. Seems na gustong gusto niya ang umaga. Parang ang ganda ng lahat ng umaga para sa kanya.
Okay lang sana magsing ng 7:30AM. Ok na ok in fact. Kaya lang kung meron kayong apat na oras na time difference, parang mag iiba ang usapan.Ang tagal ko ng di nagigising ng ganito kaaga para makipag usap sa kanila sa bahay eh. Kasi pakiramdam ko mula nung nakalipat kami ng bahay eh di na ganun ka-atat tumawag.
Marahil sanay na din ako sa set up namin ngayon. Ika nga, resigned to the fact na andito ako ngayon at andun sila. Bibilangin ko ang ilang taon pa bago ako tuluyang makauwi ng lupang sinilangan.
Masyado na OA.
Natuwa ako, kinantahan kasi niya ako ng 2 kanta. At 2 years old and 3 months eh not bad na nakakanta na niya ang Only you, mga 2 linya. At Hawak Kamay. Minsan kailangan pang i-coach. Pero di na yun masama.
Ang saya ko. Sana paglaki niya talagang sasabihan niya ako ng Only You.
0 comments:
Post a Comment