Paglalakbay- Part 2

Akala ko tapos na yung kalbaryo ko sa eroplano na katabi ay pana-dol.  Nga pala, bago pa kami lumapag eh nagspray ng sangkaterbang air-preshener ang magagandang binibini.  Regulasyon daw yon sa bansa na nilapagan naming.  Grabe, ano bay un? Takot ba sila na may nagdala ng sakit sa amin?  Di kaya mas marami kaming sakit na makuha sa paglapag na iyon?!  Naku.  Pasensya po. 

Ayun, nagsibabaan na sila.  Kesyo nga di naman magpapalit ng eroplano, kaming mga natira, siguro nasa 10 lang eh naghintay habang naglinis ang ground crew ng Cathay.  Ayun!  Paiwas iwas sila sa amin, iwas din naman kami sa kanila.  
 
Nagpalit din pala ng crew.  Unang ginawa, nagbilang.  Marami silang nagbilang.  Ewan ko ba kung bakit. Pero siguro kada merong aakyat na personnel ng Cathay eh binibilang kaming mga Pinoy.  Di naman yata kami gremlins na dadami na lang bigla, ano ba!
 
Hala, matapos ang halos isang oras, pinapasok na din nila ang mga papunta nanaman sa HK.  Madami sila. Parang di nabawasan. Haay. Akala ko naman solo na naming ang eroplano! Lol.
 
Heto pa, mga 8 oras yata ang byahe pa-HK.  Matanda na yung katabi ko kaya ok lang, tulog siya halos buong byahe.  Pero yung batang nakaupo sa likod ko eh may balak yata maging singer.  Ayun, siguro mahigit 4 na oras iyak lang ng iyak.  Ang sarap na magreklamo.
 
Konting tiis na lang, malapit na sa Pilipinas.

0 comments: