Sa susunod na 9 weeks, makikita ko na uli ang pamilya ko. Excited na uli akong makauwi. Sino ba naman ang hindi? Lahat ng OFW malamang ito ang panahon na hinihintay. Seryoso. Wala naman kasing gustong malayo sa kanilang pamilya.
Di lang ako ang excited. Pati ang maliit na bata na naghihintay sa Davao ay excited din. Malapit na kasi siyang pumasok, at ipinangako ko na maghahanap kami ng mga schools kung saan siya pwedeng pumasok.
Sa pag uwi ko medyo marami akong worries. Sa susuond na 9 weeks, pag natapos na to, higit kumulang 9 months na lang din ang bubunuin ko para matapos ang kontrata sa kasalukuyan kong kumpanya.
Ang damin tanong. Minsan ayaw ko na mag isip para lang matakasan. Haaay. Wala ng saysay ang sinusulat ko... Hanggang sa muli.
0 comments:
Post a Comment