Tuwing iniisip ko na malapit na ang Oktubre
Mas lalo ako nasasabik.
Mas tumitindi ang kaba
Pero sa kabila nun
Alam ko na pagbalik ko
Andyan ka na naghihintay sa akin
Buong puso
Bukas ang mga kamay
At sasalubungin mo ako
ng matatamis mong mga ngiti.
Ang takot na nasa dibdib ko
Di ko mapaliwanag.
Pero alam ko higit sa anu pa man
Kapag nagdesisyon akong
Bumalik at makasama ka
Isang malaking hakbang yun
Para sa ating dalawa.
Hayaan mo anak
Alam kong di magiging madali
Pero alam ko rin na
Di tayo magsisisi sa huli.
Mahal na mahal kita.
Alam mong gagawin ko ang lahat
Para makita kang masaya at maayos.
Mas lalo ako nasasabik.
Mas tumitindi ang kaba
Pero sa kabila nun
Alam ko na pagbalik ko
Andyan ka na naghihintay sa akin
Buong puso
Bukas ang mga kamay
At sasalubungin mo ako
ng matatamis mong mga ngiti.
Ang takot na nasa dibdib ko
Di ko mapaliwanag.
Pero alam ko higit sa anu pa man
Kapag nagdesisyon akong
Bumalik at makasama ka
Isang malaking hakbang yun
Para sa ating dalawa.
Hayaan mo anak
Alam kong di magiging madali
Pero alam ko rin na
Di tayo magsisisi sa huli.
Mahal na mahal kita.
Alam mong gagawin ko ang lahat
Para makita kang masaya at maayos.
0 comments:
Post a Comment