She has grown. Nag usap kami kanina. Parang kailan lang na iniisip ko pano kaya pag lumaki na siya? Pano kaya siya magsasalita? Ano kaya ang mga sasabihin niya?
In less than two years nagsimula na siyang magsalita. Ngayong 25 months na siya, naku, matatas na. Kanina ang sabi niya:
Send Cat Mommy...
Buy books Andy Mommy. Bilhan ko daw siya ng libro. Nasira na kasi niya yung mga picture books niya. Promise yun, bibili kami pagbalik ko sa Davao, yung tipong siya mismo ang pipili.
Buy 'yardigans Mommy- Aba, hindi naintindihan ni mommy yun. Yun pala, Nanonood siya ng Backyardigans. Isang palabas na puno ng aral. Binigyan kasi siya ng GF ng kapatid ko, nasira na daw eh. Kaya dapat bumili na ng bago.
Namention ko rin na I saw some things na gusto niya, nung binanggit ko, ang sagot sa akin: Yehey yehey! (Naku nakakaintindi na yata ang anak ko ng terms na pasalubong, bili, pabili).
Haaay. Nakakatuwang ewan na ang bulinggit ko!


0 comments:
Post a Comment