Ang Paglalakbay- Part 1

Kagabi pa ako nasa Airport.  Mahigit isang araw na.  Maaga akong nagpunta kahapon sa airport dahil walang maghahatid sa akin.  Ganyan ang buhay sa abroad.  May pasok ang mga tao, o di kaya nagpapahinga para sa pasok kinabukasan.  Mahirap na na humingi ng ganitong pabor.  Importante ang pahinga sa amin. Alam na alam ko yan.  Ako pa!

Alas-5 pa lang eh yumakag na ako.  Iniisip ko kasi baka sumobra ang bagahe ko.  Para kung sakali eh mai--uuwi ko pa sa bahay kung sakali.  Salamat naman sa Diyos at maayos ang lahat.  Maayos na maayos.  Pagpasok ko pa lang sa pagche-checkin-nan eh sabi nung isang kabayan, naku, nahuli na daw ako sa "early check-in"  tapos maaga pa daw ako sa regular na pagchecheck in. Naku naman.  Ibig sabihin may mga isang oras pa ako ng paghihintay.

Matapos ang paghihintay nakapag check in na din.  Tama lang ang bigat ng bagahe. Di naman sumobra.  Kaya ayun diretso na kami sa hintayan para makapaglayag.

Aba, ang galing naman talaga, delayed daw ang aming eroplano.  Ano ba! 
Napansin ko pa sa byahe namin, bilang lang kaming mga noypi!  oo, sa laki nung eroplano lahat ng andun eh anap. waaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh.  Magsastop over kasi sa bansa nila ng 1 oras.  Naisip ko tuloy at nagbiruan pa kami ng mga kasama ko na naku, sabit lang yata tayong mga noypi dito eh!

Wala kaming magagawa, uwing uwi na kami.  Ayun, byahe na.  Para kaming dumaan sa rough road patungo sa kanilang bansa! Totoo!  Sabi pa nga nung piloto, kapag lumapag na tayo, kumapit kayo dahil talagang malubak, normal lang yun.

Ako naman, kesyo antok na antok na nga, eh Natulog halos buong byahe patungo mumbai.  Aba! Bigla na lang akong nagising. Bumagsak ba tayo?  At bakit ganun parang ang baho sa labas ng eroplano eh pumapasok sa loob.  Nasususka ako. Sobra.

Buti na lang bumaba na sila.

(Part one of three).

1 comments:

an2nette said...

Hi monique, enjoy your vacation lalo na ang iyong cute andee, i know the feeling just make the most out of it, in two weeks time balik na rin kami sa Germany pati husband ko ayaw ng bumalik don, happy new year from your ate an2nette