Tamang tama, pauwi si Hope sa susunod na lingo, pwedeng bitbitin ang aking pasalubong. yey! hmmm...
Off si mommy to Burjuman mall. Kaya lang naalala niya na may Max store on the opposite street, so unahin na lang kaya yun. Baka mas mura at mas maganda ang mga naka display. :)
Di ako nagsisi. Paikot ikot si mommy sa loob ng Max. Hanggang maispatan niya ito:
Ngayon, ano kaya ang ipapares?! hmmm. Mukhang maganda tingnan ang blouse na cutie.
Hala, hanap na muli si mommy ng best buy syempre. Ako pa!
Ito ang nakita.
At ito pa!
Malamang kailangan din niya ng sapatos... dun na lang sa Davao, makakapili pa siya! hahaha!
Syempre, knowing na siya'y isang girlaloo, padadalhan ko rin ng tali sa buhok!
Excited akong makita ang reaction ng bulinggit sa padala ni mommy. :D Abangan!
2 comments:
Haay ang mga nanay talaga, will do everything para mapasaya lang ang mga anak, hope gumaling na ang unica ija mo, konting lagnat lang yon, dont worry, andyan si mader, mother's knows best
Ay sinabi mo. I vividly remember kasi Christmas last year when she opened her gifts, ay naku, her face literally lit up when she saw the gift! hehehe... Ang sarap ng feeling na makapagpadala ng something sa kanya.
Post a Comment