Ang Paglalakbay- Part 1

Kagabi pa ako nasa Airport.  Mahigit isang araw na.  Maaga akong nagpunta kahapon sa airport dahil walang maghahatid sa akin.  Ganyan ang buhay sa abroad.  May pasok ang mga tao, o di kaya nagpapahinga para sa pasok kinabukasan.  Mahirap na na humingi ng ganitong pabor.  Importante ang pahinga sa amin. Alam na alam ko yan.  Ako pa!

Alas-5 pa lang eh yumakag na ako.  Iniisip ko kasi baka sumobra ang bagahe ko.  Para kung sakali eh mai--uuwi ko pa sa bahay kung sakali.  Salamat naman sa Diyos at maayos ang lahat.  Maayos na maayos.  Pagpasok ko pa lang sa pagche-checkin-nan eh sabi nung isang kabayan, naku, nahuli na daw ako sa "early check-in"  tapos maaga pa daw ako sa regular na pagchecheck in. Naku naman.  Ibig sabihin may mga isang oras pa ako ng paghihintay.

Matapos ang paghihintay nakapag check in na din.  Tama lang ang bigat ng bagahe. Di naman sumobra.  Kaya ayun diretso na kami sa hintayan para makapaglayag.

Aba, ang galing naman talaga, delayed daw ang aming eroplano.  Ano ba! 
Napansin ko pa sa byahe namin, bilang lang kaming mga noypi!  oo, sa laki nung eroplano lahat ng andun eh anap. waaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh.  Magsastop over kasi sa bansa nila ng 1 oras.  Naisip ko tuloy at nagbiruan pa kami ng mga kasama ko na naku, sabit lang yata tayong mga noypi dito eh!

Wala kaming magagawa, uwing uwi na kami.  Ayun, byahe na.  Para kaming dumaan sa rough road patungo sa kanilang bansa! Totoo!  Sabi pa nga nung piloto, kapag lumapag na tayo, kumapit kayo dahil talagang malubak, normal lang yun.

Ako naman, kesyo antok na antok na nga, eh Natulog halos buong byahe patungo mumbai.  Aba! Bigla na lang akong nagising. Bumagsak ba tayo?  At bakit ganun parang ang baho sa labas ng eroplano eh pumapasok sa loob.  Nasususka ako. Sobra.

Buti na lang bumaba na sila.

(Part one of three).

Christmas Day 2009

I am in the airport now.  It's already 6pm in Dubai.  I was supposed to check in early so if there are problems I could ran back home.  Alas, when I approached the counter, it already closed it's early check in. haay!

I am excited to go home.  I did not see Andy open her gifts today.  They went to the beach early and by the time they returned home she was way too cranky.

So much for being excited what her reaction will be.  I hope I can get the same reaction when she opens her gifts from me.

I am excited.

I love you Andy!  Mommy is coming home.

xoxo,

Mommy

Pauwi na talaga

Sa totoo lang hindi ko alam kung excited ako o kung ano pa ba.  Malapit na talaga akong umuwi. Yung mga nakaraang buwan na pakiramdam ko ay di matatapos sa paghihintay para lang makita uli ang aking munting anghel ay malapit nang matapos. Sa wakas.

Ang pagtitiis ng isang inang sobrang nangungulila sa kanyang unica ay mapapawi na.  Yung mga luha na madalas tumulo sa aking mga mata ay mapapalitan ng saya sa tuwing iniisip kong ilang araw na lang at mayayakap ko na at mahahalikan ang batang sa tuwing tumatawag ako ay sisigaw ng "mommy, mommy!"

Sabi nila mas mahirap daw ang umalis kapag nakauwi ka ng unang beses. Pero kahit pa. Walang makakapalit sa panahong pwede ko uling makasama ang aking pinakamamahal na anak.

Ilang tulog na lang anak.

Mahal na mahal ka,

Mommy

Christmas Gift, Barbie, Play Doh

I already got her something for Christmas.  I was so excited thinking that she's gonna like it!  I was excited. Too excited.  I called her, well, had a yahoo chat with her.  I let her see what I got her.

A couple of shirts, skirt, set of underwear, and of course play dough.  I was excited.  Apparently she had something else on mind.  When asked what she wanted, she excitedly answered, "Barbie!" 

I am so dead.  I thought that I did not want to get her that thinking that she was way too young to appreciate Barbie dolls.

I was so mistaken.  Today she and her aunt love went out to eat at Jollibee.  Going to the place, she saw a Christmas tree with Barbie dolls below it.  She quickly exclaimed, "Tita Ab, Barbie oh!"  My sis was so touched, she bought Andy that toy doll.  It wasn't the real barbie but for Andie it was more than enough.

Merry Christmas Andie!